Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang plano ng Task Force for Transport and Traffic Management na mabigyan ng lehitimong terminals at buwagin ang mga illegal terminals na nakasasagabal sa pagsisikip ng mga lansangan.
Ayon kay Mayor Belmonte, buo aniya ang kanilang suporta sa plano ng Task Force tungkol sa pagpapatupad ng disiplina sa mga commuter para makatulong maibsan ang problema sa trapiko.
Paliwanag ng alkalde sa malawak na karanasan ni Atty. Ariel Inton bilang transport reform advocate, kumpiyansa umano siya sa mga programa ni Atty. Inton na maglalagay ng disiplina, hindi lang sa mga driver, kundi pati na rin sa commuters.
Sa panig naman ni Atty. Inton, nais nito na ang Quezon City ay magiging commuter/passenger friendly City na mas maaga sa pila, mas maaga rin na makakasakay at maglalagay rin sila ng priority lanes para sa PWDs at senior citizens.
Inirerekomenda rin ni Atty. Inton sa Quezon City Council na magpasa ng isang Ordinansa na magparusa sa mga pasahero na mahuhuling hindi pumipila sa mga loading at unloading zones . Ibig sabihin aniya kapag ikaw ay pasaway, doon mismo sa lugar ay bibigyan ka ng community service at hindi ka makakaalis doon dahil hindi ka sumusunod sa batas.