Task force, itinatag upang imbestigahan ang pagpatay sa isang sundalo sa Bulacan

 

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police (PNP) Bulacan upang imbestigahan ang nangyaring pamamaril at pagpatay kay Philippine Army Maj. Dennis Moreno ng Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.

Nabatid na nakadestino sa AFP-RESCOM General Headquarters si Moreno.

Sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng kanyang opisina sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan si Moreno nang bigla na lamang pumasok ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ito.


Agad namang tumakas ang suspek sakay ng itim na motorsiklo at nagawa pang isugod sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong task force upang matukoy ang nasa likod ng krimen at ang motibo sa pamamaslang sa naturang sundalo.

Facebook Comments