Pormal nang itinatag sa Santo Tomas, Pangasinan ang isang task force laban sa kriminalidad at iligal na droga matapos lagdaan ang kautusan na nagbigay-bisa sa pagtatatag ng Santo Tomas Anti-Criminality, Anti-Drugs and Crisis Management Task Force (STACAD-CMTF), kasabay ng panunumpa sa tungkulin ng mga pangunahing miyembro
Sa aktibidad, binigyang-diin ang tungkulin at responsibilidad ng mga miyembro sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kapayapaan at kaayusan, at ang kahalagahan ng pagsunod sa itinakdang saklaw ng kanilang awtoridad.
Inilahad din ang mga tungkulin at responsibilidad ng task force, mula sa Technical Working Group hanggang sa Action Team at mga miyembro nito, bilang bahagi ng balangkas sa pagtugon sa kriminalidad, iligal na droga, at mga sitwasyong pang krisis sa bayan.
Nakatakda ring sumailalim sa mga pagsasanay ang mga miyembro upang mapalakas ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng mga programa at operasyon ng task force. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










