Sa kanyang pagsisikap na mapalakas ang security measures sa Cotabato City, binigyan ni Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani – Sayadi ng “Facial Recognition System” ang 603rd Brigade (Philippine Army) at Task Force Kutawato na parehong pinamumunuan ni Lt. Col. Jesus Sarsagat, ito a espesyal na uri ng gadget na may application kung saan mas madaling ma-track down ang mga kriminal sa pamamagitan ng facial identification/recognition.
Sa isinagawang turn-over ceremony ay dumalo sina Regional Director National Intelligence and Coordinating Agency (NICA)-12 Everly Tajanlangit, 5th Special Forces Battalion Commander Lt.Col. James Uri, PDEA-ARMM Regional Dir. Juvenal Azurin at ilang unit commanders.
Kumpyansa si Mayor Sayadi na sa pagtutulungan ng city government, militar, kapulisan at maging ng mga sibilyan at iba pang stakeholders, ang Cotabato City ay magiging ligtas mula sa ano mang uri ng pagbabanta. (photo from 9to5mac.com)
Task force Kutawato, mayroon nang "Facial Recognition System"!
Facebook Comments