Manila, Philippines – Aminado ang pinuno ng Task Force Manila Clean Up na may kahirapan ang paglilinis sa bahagi ng Baywalk dahil tila hindi nauubos ang pagdating ng mga inanod na basura mula sa ibang panig ng lungsod at mga karatig lugar.
Ayon kay Che Borremeo, hepe ng Task Force Manila Clean Up, nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal ng Maynila sa MMDA, para mapadali ang paghahakot ng tone-toneladang basura na ang malaking porsyiento ay pawang mga plastik.
Paliwanag ni Borremeo, matapos hakutin ang mga mga basura ay idinederetso sa barge, sa transfer station ng pier 18 sa Tondo Manila bago dalhin sa Navotas landfill.
Base sa record ng Manila government, tinatayang nasa 40-milyong piso ang ginagastos ng Manila City government kada-buwan, para sa koleksyion at paghahakot ng mga basura sa anim na distrito ng Maynila o katumbas ng mahigit isang milyong piso kada-araw.