MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order Number 1 na siyang bubuo sa presidential task force na tututok sa media killings sa bansa.Sabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, nilagdaan ng pangulo ang administrative order noon pang Martes (Oct. 11).Ang task force ay pangungunahan ng kalihim ng Department of Justice sa tulong na rin ng Presidential Communications Office at iba pang tanggapan ng pamahalaan.Kasama din sa mga tutulong sa task force ay ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas, National Union of Journalist of the Philippines at National Press Club.Kabilang sa mga kasong iimbestigahan ng nasabing task force ay ang unsolved cases, under investigation, nasa preliminary investigation, under trial at under appeal na mga kaso na may kaugnayan sa media killings.Nakatakda namang isagawa ang unang pulong ng task force pagbalik ng pangulo mula sa China.
Task Force Na Force Na Mag-Iimbestiga Sa Mga Pagpatay Sa Mga Mamamahayag, Binuo Ng Administrasyong Duterte
Facebook Comments