Task force na magbabantay sa suplay ng oxygen sa Pilipinas, binuo na

Bumuo na ng task force ang National Task Force Against COVID-19 na magbabantay sa suplay ng oxygen sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, papangunahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Department of Health (DOH).

Trabaho ng task force na gumawa at magpatupad ng mga polisiyang may kaugnayan sa suplay ng oxygen sa bansa na magagamit sa paglaban sa COVID-19.


Ilan pa sa mga departamentong miyembro ng task force ay ang; Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Energy (DOE), Philippine Ports Authority (PPA), Bureau of Customs (BOC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Local Government Units (LGUs)

Ang pagbuo ng the task force ay una na ring inirekomenda ng IATF technical working group.

Facebook Comments