Manila, Philippines – Bubuo ang pamahalaan ng task force na siyang tututok sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, gaya ng ginawa sa Boracay, lilikha muli ang gobyerno ng task force na binubuo ng iba’t-ibang ahensiya.
Pangungunahan aniya ito ni Environment Secretary Roy Cimatu habang magsisilbing siyang isa sa mga vice chairmen.
Kasama rin sa task force ang mga grupong magsasagawa ng inspeksiyon, imbestigasyon at auditing sa mga istruktura sa paligid ng Manila Bay at paligid ng mga katubigang konektado rito.
Sa Enero 27 nakatakdang ilunsad ang ‘Manila Bay Rehabilitation Project’ kung saan tatalakayin ng mga makikiisang ahensiya ang mga hakbang sa rehabilitasyon.
Facebook Comments