Task Force na tumutugon sa COVID-19 pandemic, dapat manatili sa loob ng 2 hanggang 3 taon

Iginiit ni Senator Imee Marcos ang pananatili ng task force na nangunguna sa pagtugon sa COVID- 19 pandemic sa loob dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon o hanggang magkaroon ng bakuna laban sa virus.

Ayon kay Marcos, dapat may task force sa national level at mayroon din sa local level.

Base sa mungkahi ni Marcos, dapat ang mga opisyal na itatalaga sa task force ay dito lang nakatutok at walang ibang trabaho sa gobyerno.


Sabi pa ni Marcos, hindi ito dapat katulad ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang mga opisyal ay pawang ex-officio o mga pinuno rin ng iba’t ibang mga departamento sa pamahalaan kaya’t hindi lubos na nakatuon sa pandemic.

Mungkahi ito ni Marcos kasunod ng report ng World Health Organization (WHO) na sa buong Western Pacific ay sa Pilipinas may pinakamabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments