Task force na tutuok sa isyu ng extra-judicial killings, binuo na ng DOJ

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng task force na tututok sa isyu ng extra-judicial killings sa ipinatupad na war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing task force ay nasa ilalim ng Office of the Secretary na binubuo ng mga prosecutors at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sila ang magsasagawa ng imbestigasyon, tutulong sa pagbuo ng kaso at magsasampa ng kasong kriminal sa mga may kasalanan at may kaugnayan sa EJK.


Inatasan ni Remulla ang task force na makipag-ugnayan sa House of Representatives Quad Committee, Senate Blue Ribbon Committee, Philippine National Police (PNP), Witness Protection Program (WPP), Commission on Human Rights (CHR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa pagkuha ng impormasyon.

Binigyan din ng authorization ang task force na kumuha ng kanilang pondo sa kanilang mga tanggapan kung kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga meeting at aktibidad.

Kinakailangan magpasa ng task force ng mga ulat kay Sec. Remulla bago ang 60 araw matapos ilabas ang joint department order sa pagbuo nito.

Facebook Comments