Cauayan City, Isabela- Sabay-sabay na lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang iba’t ibang sangay ng gobyerno para wakasan ang matagal ng suliranin sa iligal na pamumutol na kahoy sa lalawigan ng Cagayan.
Kasabay ito ng pagbuo ng Anti- Illegal Logging Task Force na tututok sa usapin ng pamumutol ng kahoy.
Ayon kay Governor Manuel Mamba, ilan sa mga opisyal ng gobyerno ang tahasan nitong sinabi na protektor ng mga gumagawa ng ng iligal na pamumutol ng kahoy maging ang mga sana’y tagapagpatupad ng batas ang nasasangkot sa usaping ito gayundin ang mga ilang kawani ng DENR.
Tiwala naman ang gobernador na sa kabila ng nabuong task force ay unti-unting mawawakasan ang iligal na gawaing ito na hinggil sa kampanya ng mga kinauukulan.
Matatandaan na nag-ugat ang malawakang pagbaha sa lalawigan dahil sa mga iligal na pinutol na kahoy maging dahilan ng pagguho ng lupa kapag nakakaranas ng pag-uulan.
Nagtala din ng mga pinsala sa ari-arian ang pagbaha gayundin ang nagsilutangang kahoy mula sa mga ilog mula sa mga kabundukan.
Samantala,inihayag naman ni PCOL Ariel Quilang, Provincial Director ng PNP Cagayan na nakapagtala sila ng mahigit P5.5M na halaga ng mga pinutol na mga kahoy.
Kaugnay nito ay mayroon din aniyang mahigit isang libong chainsaw ang ipinasakamay sa kanilang tanggapan, 62 ang nakumpiska, mahigit 400 ang nahuling illegal loggers at 464 naman ang sinampahan ng kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging law.