Inirekomenda nila ACT CIS Partylist Rep. Niña Taduran at CWS Partylist Rep. Romeo Momo ang paglalagay ng safeguards sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Iginiit nila Taduran at Momo ang pagbuo ng hiwalay na Task Force bukod sa Bureau of Corrections (BUCOR) na susuri kung karapat-dapat ba na palayain sa ilalim ng GCTA ang isang bilanggo.
Bubuuhin ang Task Force ng iba’t-ibang sektor mula sa religious, government agencies, mga organisasyon at mula sa public sector upang matimbang kung nakasunod ba ang isang convicted sa nakasaad sa batas para sila ay mapalaya.
Iminungkahi din na maisama sa Task Force ang pamilya ng mga biktima.
Ipinalalathala din ang pangalan ng mga candidates para sa GCTA upang makita ng publiko at hiniling na maipaalam ito sa komunidad isang taon bago ang nakatakdang pagpapalaya.
Panghuli, ay dapat din itong dumaan sa Kalihim ng Department of Justice at sa tanggapan ng Pangulo upang ma-review kung dumaan ito sa tamang proseso at upang maiwasan ang anumang pangaabuso sa GCTA.