Task force na tututok sa monkeypox, hindi na kailangan – eksperto

Hindi na kailangang bumuo pa ng pamahalaan ng isang task force na tututok lamang sa monkeypox.

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, hangga’t may guidelines ang Department of Health (DOH) hinggil sa nasabing sakit ay hindi na kailangan pang bumuo pa ng isang task Force.

Aniya, dagdag na layer lang ang mangyayari kung gagawin pa at sapat na ang naging karanasan ng bansa sa COVID-19 para harapin ang sakit na monkeypox.


Dagdag pa ni Solante na koordinasyon lamang ang kailangan sa pangunguna ng DOH at ng mga attached agencies nito gayundin ng mga departamento na may kinalaman sa pagkontrol sa naturang sakit.

Samantala, hindi naman nakikitang opsyon ni Solante ang pagsasara ng borders ng bansa dahil lamang sa isang kaso, sa halip aniya ay magkaroon ng monitoring sa mga dumarating sa bansa.

Facebook Comments