Task force na tututok sa napaulat na smuggled carrots sa bansa, bubuuin na!

Bubuo na ng joint task force ang pamahalaan na siyang gagawa ng imbestigasyon sa mga napaulat na smuggled carrots galing China.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, kinabibilangan ang task force ng mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Binigyang diin naman nito na hindi nagbibigay ng permit ang gobyerno upang makapagpasok sa bansa ang sariwang gulay mula sa ibang bansa.


Ang tangi lang kasi aniyang pinapayagan na makapasok ay ang frozen mixed at processed vegetables.

Ibig sabihin, kung sariwang gulay ang dadalhin sa Pilipinas, smuggled o iligal itong ipinasok sa bansa.

Sa ngayon, pinayuhan ni Reyes ang publiko na huwag bumili ng mga hinihinalang smuggled agriculture product dahil sa hindi nito pagsunod sa food safety regulations.

Facebook Comments