Task force na tututok sa presyo ng bigas, binuo sa lungsod ng Valenzuela

Bumuo na ng Task Force si Mayor Wes Gatchalian upang tutukan ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas sa lungsod ng Valenzuela.

Kasunod ito ng isinagawang pulong ng alkalde sa mga market masters at business owners upang makuha ang kanilang pananaw sa nasabing pagtatakda ng presyo sa bigas.

Ipinaliwanag rin sa kanila ang mga alituntunin para sa pagpapatupad ng direktiba na sinimulan na kahapon.


Ang naturang task force ang siyang iikot at magmo-monitor kung naisasagawa ba ng mga retailers ang price ceiling na P41.00 hanggang P45.00.

Sinabi pa ni Gatchalian na buo ang kanyang suporta sa inisyatiba ng pamahalaan na protektahan ang mga vendor at consumer mula sa pandaraya sa presyo at illegal rice trading.

Dumalo sa nasabing pulong ang 33 market masters at business owners upang mapakinggan ang kanilang mga saloobin hinggil sa Executive Order No. 39 o ang Mandated Price Ceiling sa piling variety ng bigas.

Facebook Comments