Task Force na tututok sa umano’y korapsyon sa DPWH, maaring buuin ni Pangulong Duterte – Malakanyang

Maaaring bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang task force para tutukan ang umano’y nagaganap na korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t ang pagbuo ng DPWH ng task force ay isang magandang panimula, marami naman ang nagdududa kung magtatagumpay ito dahil kasama nila sa trabaho ang kanilang iimbestigahan.

Dahil dito, sinabi ni Roque na mas maiging independent body ang manguna sa imbestigasyon kung kaya’t maaring bumuo ang Pangulon ng task force katulad ng ginawa niya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Suportado naman ng Malakanyang ang pagbuo ng anti-corruption unit ng DPWH at umaasang mabibigyan na ng pagkakataon ang grupo na gawin ang kanilang trabaho.

Nabatid na iniutos ni DPWH Secretary Mark Villar ang pagbuo sa Task Force Against Graft and Corruption (TAG) matapos sabihin ng Pangulo na may korapsyon sa kagawaran at maitala ng Commission on Audit (COA) ang P101.7 bilyong halaga ng 2,000 na proyekto na na-delay at hindi naipatupad nitong mga nagdaang taon.

Facebook Comments