Task Force NAIA, nahihirapan sa pag-accomodate ng returning Filipinos

Maraming hamon ang kinakaharap ng NAIA Inter-Agency Task Force lalo na sa pag-accommodate ng mga dumarating na overseas Filipino workers at non-OFWs dahil sa kakulangan ng quarantine facilities.

Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions sa ilang bansa dahil sa banta ng UK COVID-19 variant.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commander Edyson Abanilla, limitado ang quarantine facilities dahil sa pagdagsa ng mga repatriated OFWs mula sa 33 bansa.


Ilan sa government quarantine areas ay nasa full capacity na lalo sa New Clark City sa Pampanga, Batangas at Tagaytay sa Cavite.

Sa Metro Manila, tanging SOGO at Nice motel ang inaprubahang quarantine facilities sa ilalim ng Oplan Kalinga Center kung saan libre ang accommodation para sa mga returning overseas Pinoys.

Facebook Comments