Task Force on Energy Resilency, sisilipin kung may mga napinsalang power infrastractures kasunod ng lindol sa North Cotabato

Sinimulan na ng Task Force on Energy Resiliency ang pangongolekta ng datos kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato.

Sa abiso ng Dept. of Energy (DOE), inaalam na ang Estado ng supply ng kuryente sa mga naapektuhang rehiyon at lalawigan.

Kabilang na rito ang mga nasirang imprastraktura na may kinalaman sa generation at distribution ng kuryente.


Matatandaang ilang bahagi ng mindanao ang nakaranas ng power tripping o pagkaputol ng supply ng kuryente.

Facebook Comments