
Puspusan na ang koordinasyon ng Department of Energy (DOE) at Commission on Elections (Comelec) para matiyak na hindi papalya ang supply ng kuryente sa bansa sa Halalan 2025.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOE Secretary Raphael Lotilla na bumuo na sila ng Task Force on Energy Resilience na tututok sa energy supply sa halalan lalo na sa mga liblib na lugar.
Pinaghahandaan na rin aniya nila ang pagpapapatag ng supply ng kuryente lalo na’t ang buwan ng Mayo ay tatapat ng summer.
Ayon kay Lotilla, hihingin nila sa Comelec ang lugar na dapat tutukan at nangangailangan ng stable na supply bago pa ang halalan.
May mga provision na rin sa ahensya para sa mobile emergency units at umaasa sila na madadagdagan pa ito.
Facebook Comments