Task force para maresolba ang isyu sa Kapa ministry, inirekomendang buuin

1118

Manila, Philippines – Naniniwala si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na kailangan ng bumuo ng isang task force para ma-aksyunan ang isyu sa Kapa-Community Ministry International, Inc.

Ayon kay Lopez, ang task force ay bubuuin ng mga opisyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.


Aniya, lumalabas kasi na walang nakatutok na opisina ang pamahalaan na agarang hahawak sa naturang mga kaso.

Maliban rito, sabi ni Lopez na kinakailangan ding maging aktibo ng Securities and Exchange Commission (SEC) para ipaalam sa publiko ang naturang investment scam.

Facebook Comments

From Advertisers