Task Force PhilHealth, nakatuon sa mga imbestigasyong isinasagawa na ng ilang ahensya

Tututukan ng Task Force na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigahan ang iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga imbestigasyong isinasagawa na ng ilang ahensya para mapabilis ang kanilang trabaho.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, binibigyan lamang sila ng 30 araw para makapagsumite ng rekomendasyon para sa legal na hakbang.

Kabilang sa mga iregularidad sa PhilHealth ay ang multi-billion pesos “ghost patients” na nag-avail ng kidney dialysis treatments mula sa WellMed Dialysis and Laboratory Center.


Hindi lamang sila nakatuon sa COVID-19 anomaly sa PhilHealth lalo na at may ilang tanggapan na ang may hiwalay na imbestigasyon tulad ng Senado, Kamara at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Humingi na rin ang Task Force sa PACC ng kopya ng kanilang initial report tungkol sa umano’y iregularidad.

Batay sa report ng PACC, maghahain sila ng administrative cases laban sa 36 na PhilHealth officials, 13 rito ay maaaring kasuhan ng kriminal.

Facebook Comments