Nakatakdang ireactivate ng North Cotabato PNP ang TASK FORCE PIKIT, bunsod na rin sa nagpapatuloy na naitatalang mga kaso ng pamamaril sa bayan.
Bagaman matagal ng iminumungkahi ang pagbabalik ng Task Force Pikit, bahagyang lamang itong nabalam dahil sa pundong inaantay mula sa PIKIT LGU para sa mobilization ng mga sundalo at pnp na bubuo sa TFP ayon pa kay Supt. Bernard Tayong, PNP NorthCot Spokesperson.
Magiging malaking tulong aniya ang Task Force Pikit para sa pagpapanitili ng katiwasayan sa bayan at maibsan ang mga naitatalang krimen kasabay na rin ng pagiging visible ng mga otoridad sa bawat sulok ng bayan dagdag ni Supt. Tayong.
Matatandaang magkakasunod na may naitatalang kaso ng pamamaril sa Pikit at kalimitang nangyayari in broad daylight na tila di nakikitaan ng takot o pag aalinlangan ang mga namamaril.
Samantala, sa kabila ng mga krimeng naitala sa Pikit sa mga nakalipas na araw, sinaluduhan parin ni Supt. Tayong ang pamunuan ng Pikit MPS sa mga inisyatiba para sa peace and order ng bayan.
Pic: PIKIT MPS