TASK FORCE POSIBLENG BUUIN SA PAGPASLANG SA MAG AMA KABILANG ANG TATLONG TAONG GULANG NA ANAK NITONG BABAE SA BAYAN NG SUAL

Nagpapatuloy pa din ang manhunt operations sa kinaroroonan ng suspek na tumakas matapos patayin ang mag ama sa bayan ng Sual.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, nag pupulong na ang lahat ng mga concern departments ng PNP kaugnay dito para mas mabilis ang paghahanap sa suspek sa pagpatay sa mag ama kasama ang tatlong taong gulang na anak nito.
Ayon sa opisyal, may posibilidad na bumuo ng task force kaugnay dito na mas lalo pang magpapabilis ng imbestigasyon.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ang tumakas na suspek dala ang motor ng biktima.
Matatandaan na pasado alas diyes ng Umaga ng matagpuan sa stockroom ng isang tindahan ng construction supplies ang katawan ng mag ama na nakilalang sina Ronnie Poe Costales at anak nito na si Jhana na wala ng buhay kung saan ay suspek dito ang isang Jason Libayon na patuloy pang pinaghahanap. |ifmnews
Facebook Comments