Katuwang ng Task Force Quarry ang lokal na pamahalaan, Provincial Government Environment and Natural Resources Office, Environment Management Bureau at Mines and Geosciences Bureau na maglalatag ng konkretong solusyon sa pagbaha at magbigay rekomendasyon sa epekto ng quarrying sa bayan.
Ilang quarry operations sa Brgy. Tococ Barikir at crushing plant sa Brgy. Tagac ang nabisita ng task force at ang ilan ay nakitaan ng unting kakulangan na nangangailangan ng atensyon mula sa mga operator. Bahagi ng nakitang pagkukulang ay posibleng nakakaapekto sa mga mabababang barangay.
Matatandaan na kabilang ang Mangatarem sa mga bayan na isinailalim sa State of Calamity dahil sa malawakang pagbaha na naranasan buhat ng mataas na lebel ng tubig sa Camiling River noong Hulyo at pagbaha sa ilang barangay na tributaryo rin ng Agno River.
Sa tulong ng Task Force Quarry, inaasahan na malulutas ang problema sa pagbaha at hindi maabuso ang yamang lupa na taglay ng mga bulubundukin tanawin sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









