May binuo nang task group ang mga otoridad na tututok sa imbestigasyon sa pagpaslang sa kolumnistang si Leo Diaz.
Sinabi ni Pres. Quirino PNP Chief Police Chief Insp. Joan Resurreccion, upang mas mapalawak ang coverage ng imbestigasyon sa krimen ay itinatag ang special investigation task group Diaz.
Ito ay binubuo ng law enforcement agencies na kinabibilangan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-12, Crime laboratory, investigation at intelligence units ng Sultan Kudarat Province.
Ang special investigation task group Diaz ay pinamumunuan ni Sultan Kudarat Provincial Police Dir. Sr. Supt. Raul Supiter.
Sinabi pa ni Chief Insp. Resurreccion na nagpapatuloy pa ang kanilang pagsisiyasat, paghahanap ng witness sa krimen.
Maraming anggulong ikonokonsidera ang mga imbestigador sa krimen at nasa proseso pa sila ng pagsasala ng mga posibleng motibo, dagdag pa ni Chief Insp. Resurreccion.
Si Diaz na kolumnista ng Sapol News, Tacurong-based radio reporter at volunteer reporter ng DXMY-ARMN Cotabato ay tinambangan-patay ng riding-in-tandem criminals noong Lunes sa Brgy. Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat province. (Daisy Mangod-Remogat)
Task group na tututok sa kaso ng pagpatay sa kolumnistang si Leo Diaz, binuo!
Facebook Comments