TASKFORCE BALIKLOOB | Taskforce para sa mga magbabalikloob na rebelled, binuo ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Lumikha na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Taskforce na siyang tututok sa mga magbabalikloob na rebelde o ang mga dating miyembro ng New Peoples Army.

Batay sa Administrative Order number 10 na nilagdaan ni Pangulong Duterte ay inatasan ang Department of National Defense na pamunuan ang nasabing taskforce na tatawaging Taskforce Balikloob kung saan magiging miyembro ang Department of Interior and Local Government, office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Office of the President at National Housing Authority.

Inaatasan din nito ang mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na palakasin ang comprehensive local integration program para mas mahikayat pa ang mga rebelde na magbalikloob sa pamahalaan.


Inatasan din naman ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng Pamahalaan na suportahan ang binuong Taskforce Balikloob.

Ito naman ay sa harap narin ng pahayag ni Pangulong Duterte na bukas na siya sa muling pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments