TATAAS | Big time oil price hike, nakaamba na naman ngayong linggo

Manila, Philippines – Nakaamba na naman ang big-time oil price hike, anumang araw ngayong linggo.

Inaasahang maglalaro sa P0.95 hanggang P1.05 na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang maglalaro naman sa P0.80 hanggang P0.90 naman ang nakaambang dagdag presyo sa kada litro ng kerosene.


Magugunitang nagpatupad ng katiting na rollback ang mga kumpaniya ng langis nitong Martes ng nakalipas na Linggo.

Facebook Comments