Manila, Philippines – Magkakaroon ng dagdag sa singil ng tubig ang Maynilad at Manila Water simula Enero 2018.
Ayon kay Atty. Patrick Ty, Chief Regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), tinatayang nasa P0.80 kada cubic meters ang madadagdag sa singil ng Maynilad, habang P0.11 naman ang sa Manila Water.
Aniya, bunsod ito ng inflation o pagmamahal ng mga bilihin at galaw sa palitan ng piso kontra dolyar.
Sinabi naman ni Ty na patuloy ang pagharang ng mwss sa naunang dagdag sa singil ng Maynilad, kahit naipanalo nito sa isang international arbitration panel at mababang korte.
Pareho kasing humirit ng dagdag-singil ang Maynilad at Manila Water noong 2013 pero binawasan pa ng MWSS ang kanilang rate.
Iniurong naman ng MWSS sa July 2018 ang desisyon sa hirit na dagdag-singil ng maynilad at manila water kaugnay sa tinatawag na rate rebasing.
Nabatid na naglalaro sa P8 hanggang P10 kada cubic meter ang hirit na dagdag-singil sa tubig.
TATAAS | Maynilad at Manila Water, may dagdag singil sa tubig simula sa January 2018
Facebook Comments