TATAAS PA | Dagdag singil sa kuryente sa Marso, posibleng tumaas pa – Meralco

Manila, Philippines – Maaaring lumobo pa ang nakaambang na dagdag-singil sa kuryente ng Meralco sa Marso.

Paliwanag ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng meralco, maaari kasing tumaas pa ang inutay-utay na dagdag-singil sa kuryente na P0.33 kada kilowatt hour (kwh) sakaling sumadsad ang palitan ng piso kontra dolyar.

Habang ngayong Pebrero naman sisingilin ang dagdag P0.75 kada kwh.


Kasabay nito, ipapataw na rin sa mga sa mga probinsiya sa bayarin sa kuryente ang buwis sa transmission charge pero hindi pa isinali ang dagdag dahil sa excise tax sa coal at diesel plants.

Maliban rito, ayon kay Wendell Ballesteros, Executive Director ng Electric Cooperatives Association nakaumang din ang hiwalay pang dagdag-singil na aprubado na ng Energy Regulatory Commission.

Kabilang aniya dito ang dati pang hindi nasingil na charges na konektado sa palitan ng piso kontra dolyar at fuel ng power plants.

Nasa P16.5 bilyon ang sisingilin sa mga consumer sa Luzon, habang P12.5 bilyon naman sa Visayas.

Habang magkakaroon ng refund na P7.5 bilyong piso sa mga konsumer sa Mindanao.

Facebook Comments