TATAAS? Presyo ng ilang produktong de-lata, nagbabadyang tumaas

Manila, Philippines – Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga produktong de-lata kasunod ng inaasahang pagmahal din ng latang yari sa imported tinplates.

Paliwanag ni Arthur Dy, Presidente ng Tin Can Makers Association of the Philippines, nagmahal na ang presyo ng tinplates galing China.

Aniya, tumaas ng 10 hanggang 15 porsiyentong ang presyuhan ng lata depende sa size nito.


Sinabi naman ni Cesar Onjie Cruz, Presidente ng Canned Sardines Association of the Philippines, na sa marso pa sila magpapasya kung magkano ang itataas ng presyo ng sardinas kasabay ng pagbubukas ng fishing season.

Tinatamaan din aniya kasi sila ng pagmahal ng petrolyo na ginagamit sa mga barkong pangisda.

Babala naman ng grupo ng meat processors na asahan na ang pagmamahal rin ng de-latang karne dulot ng paghina ng piso dahil bukod sa lata, imported din ang meat products nila.

Maaaring maapektuhan din ng pagtaas ng presyo ng lata ang mga pintura at iba pang kemikal.

Facebook Comments