TATAAS? | Presyo ng manok, posibleng tumaas ngayong pasko at bagong taon

Manila, Philippines – Posibleng tumaas pa ang presyo ng manok ngayong papalapit na ang pasko at bagong taon.

Pero ayon kay Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry Assistant Director Dr. Simeon Amurao, tumaas kasi ang demand nito kaya apektado ang presyo sa mercado.

Gayunman, bahagya lang aniya ang pagmahal nito dahil wala namang shortage at hindi naman naapektuhan ng bagyo ang mga poultry farm.


Facebook Comments