TATAAS | Presyo ng produktong petrolyo, muling sisipa ngayong linggo

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa Dept. of Energy, nasa walongpung sentimo ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa apatnapu hanggang apatnapu’t limang sentimo naman ang itataas sa kada litro ng dieasel at kerosene.


Ang nasabing oil prike hike ay bunsod ng presyuhan sa world market.

Pero batay sa bagong excise tax, taas ang gasolina ng P2.97 kada litro habang ang diesel ay may dagdag na P2.80 kada litro.

Facebook Comments