TATAAS | Presyo ng produktong petrolyo, sisirit muli ngayong linggo

Manila, Philippines – Sasalubungin ang mga motorista ngayong linggo ng taas presyo sa produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), inaasahang nasa 30-sentimos ang itataas sa kada litro ng gasolina habang 50-centavos ang dagdag sa diesel.

Maliban dito, magmamahal din ng 45-sentimos ang kada litro ng kerosene.


Ang naturang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments