Manila, Philippines – Tataas ang singil sa pagkuha ng NBI clearance.
Sa abiso ng Department of Justice (DOJ), ipatutupad ang dagdag-singil simula sa March 12 dahil na rin sa pagtataas ng halaga ng documentary stamp tax.
Dahil dito, mula sa dating 115 pesos na singil ay magiging 130 pesos.
Ang NBI clearance ay madalas na kailangan ng mga naghahanap ng trabaho at nais mag-abroad upang mapatunayang wala silang criminal record.
Una rito, tumaas na rin ang singil sa pagkuha ng mgqa dokumento sa Philippine Statistics Authority (PSA) tulad ng birth, marriage at death certificates.
Facebook Comments