TATAASAN | Papasadang transport network vehicle drivers, planong dagdagan

Manila, Philippines- Plano ng Department of Transportation (DOTr) na taasan ang bilang ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers na papayagang pumasada.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tataasan nila ang mga magiging base cap ng mga TNVS.

Una na ring ipinag-utos ni Tugade na palawigin ang deadline ng mga TNVS driver na nag-aayos ng kanilang mga papeles para maisama sa master list ng ahensiya ng mga aprubadong TNVS unit.


Sa memorandum kasi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nasa 45,000 units lamang ng Uber at Grab ang pasok sa base cap.

Tiniyak naman ni Leo Gonzales, tagapagsalita ng Grab Philippines, na may nakahanda silang mga programa para sa mga hindi maisasama sa master list.

Pinag-iisipan na rin ng LTFRB na payagan nang bumiyahe ang mga hatchback at compact o maliliit na kotse pero sa mas mababang pamasahe.

Facebook Comments