Tatak 981 Dxdr Cooking Tip

Kare-kare

1 1/2 tasang buntot ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 1/2 tasang tuwalya ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 kustsaritang asin
6 tasang puso ng saging, hiniwang pahilis, 1/2 pulgadang haba
3 tasang talong, hiniwang pahilis, 1 pulgadang haba
1 tasang sitaw, 1 pulgadang haba
3/4 tasang peanut butter
1 supot kare-kare mix
1/2 tasa bagoong alamang

Paraang ng Pagluluto


1. Palambutin ang buntot at tuwalya ng baka sa 1 tasang asin. Palambutin. Magtabi ng 3 tasa ng sabaw.
2. Unahing idagdag ang puso ng saging. Kapag medyo luto na ay isunod ang talong. Ihuli ang sitaw. Pakuluan ang mga gulay hanggan maluto.
3. Timplahan ng kare-kare mix. Haluing mabuti.
4. Idagdag ang peanut butter at pakuluan ng 2 minuto hanggan lumapot.
5. Ihain kasama ang ginisang bagoong na alamang.

Facebook Comments