Tatak 981 Dxdr Cooking tips- Abitsuelas Guisado

Abitsuelas Guisado Sangkap 2 kutsara mantika 3 butil bawang, dinikdik ½ tasa hiniwang sibuyas ½ tasa hiniwang kamatis ½ tasa karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado ¼ tasa binalatang hipon ¼ kilo abitsuelas (baguio beans), pinutol ng 1″ ang haba 1 tasa katas ng hipon ½ kutsarita asin pantimpla ½ kutsarita paminta pantimpla Paraan ng pagluto · Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. · Idagdag ang karne at papulahin. · Isama ang hipon abitsuelas. · Ibuhos ang katas ng hipon. · Hayaang maluto ang gulay. · Timplahan ayon sa panlasa.

Facebook Comments