TATAKBO BA? | Gen. Ronald dela Rosa, mahigit 50 % ng kumbinsidong kumandidato sa Senatorial election

Manila, Philippines – Inamin ni General Ronald Bato dela Rosa na mahigit 50-porsyento na syang kumbinsido na sumabak sa 2019 Senatorial elections.

Pero diin ni dela Rosa, si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magpapasaya kung kakandidato ba sya o hindi sa pagka-Senador o sa iba pang posisyon.

Ayon kay General Bato, sa kanilang huling pag-uusap ay sinabi sa kanya ng Pangulo na oobserbahan muna ang lahat ng indikasyon na magdedetermina kung dapat syang tumuloy sa pagkandidato tulad ng resulta n mga survey.


Kung sakaling palarin na mapabilang sa Senado, sinabi ni General Bato na tututukan niya ang mga panukalang may kinalaman sa safety and security tulad ng muling pagpapatupad ng death penalty, National ID system, sim card registration.

Nilinaw naman ni Gen. Bato, wala syang kinalaman sa mga lumutang na billboards niya kasama si Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Ayon kay dela Rosa, sa ngayon ay nakatutok sya sa kanyang trabaho na linisin ang Bureau of Corrections laban sa tiwaling tauhan nito na posibleng nakikipagsabwatan sa mga convicted drug lords at iba pang kriminal.

Facebook Comments