Manila, Philippines – Mas malaki ang tyansa na tumakbo sa local position at hindi sa pagkasenador sa gaganaping midterm election si outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Ito ang kaniyang ibinunyag sa isang panayam kasama si Incoming PNP Chief Police Director Oscar Albayalde.
Sinabi ni Dela Rosa, sinabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas makatutulong siya sa kaniyang probinsya kung kakandidato sya bilang gobernador ng Davao Del Sur.
Ang Davao Del Sur ay ilang dekada nang kontrolado ng pamilya ni Governor Douglas Cagas.
Magkagayunpaman hindi isinasara ni General Bato ang posibilidad na pagtakbo sa Senador ngunit kailangan aniya itong pag-aralang mabuti.
Pagkatapos ng retirement at change of Command Ceremony sa araw ng Huwebes ay agad daw uuwi ng Davao si Dela Rosa upang makapagpahinga.