TATAKBO | SAP Go, sigurado ng maghahain ng kanyang COC – Sec. Panelo

Manila, Philippines – Sigurado nang tatakbo si Special assistant to the President Secretary Bong Go sa pagkasenador ayon sa Malacañang.

Ayon kay Chief Presidential Legal counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, maghahain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Go.

Pero hindi naman binanggit ni Panelo kung kailan magsusumite ng COC si Go sa Commission on Elections o Comelec.


Ito naman ay sa harap na rin ng lumabas na balita na ngayong araw magsusumite ng COC si Go sa Comelec.

Wala pa rin namang opisyal na pahayag na inilalabas si Go sa Usapin.

Facebook Comments