Manila, Philippines – Papayagan na tumakbong Pangulo ng bansa sa 2022 si Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na mapagtibay ang Federal Constitution.
Ayon kay House Constitutional Amendments Committee Chairman Roger Mercado, maaaring lumahok si Pangulong Duterte sa unang halalan sa ilalim ng Federal Government sa 2022.
Paliwanag dito, si Pangulong Duterte ay Presidente sa ilalim ng 1987 Constitution at ibang Konstitusyon na sa ilalim ng Federalismo pagsapit ng 2022.
Sa ilalatag na amiyenda ng mga kongresista sa saligang batas, gagawing 5 taon ang panunungkulan ng presidente na may isang re-eleksiyon o maaaring tumakbo ulit pagkatapos ng isang termino.
Ang posisyon at tanggapan naman ng Bise Presidente ay mawawala na dahil ang Presidente at Prime Minister na ang mamumuno sa bansa.
Samantala, isa pa sa mabigat na panukalang amiyenda sa saligang batas ay ang pagbuwag na ng Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Committee Vice Chairman Vicente Veloso na ang trabaho ng ombudsman ay duplication na lamang ng trabaho ng Department of Justice.