TATALAKAYIN | 3 panukala para sa protection at welfare ng mga call center agents, isinusulong

Manila, Philippines – Sinimulan ng talakayin sa House Committee on Labor and Employment ang mga panukala sa pagbibigay proteksyon sa mga empleyado ng Business Process Outsourcing o BPO.

Tatlong panukala ang inihain kaugnay sa pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga BPO employees, ang House Bill 156 o BPO Workers Act na inihain ni dating DIWA Partylist Representative Emmeline Aglipay-Villar, House Bill 661 o BPO Workers’ Welfare and Protection Act ni Kabataan Representative Sarah Jane Elago at House Bill 2225 o An Act Increasing the Night Shift Premium Pay in Business Process Outsourcing Firms in the Philippines na inihain naman ni Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu.

Layunin ng mga inihaing panukala na tiyakin na nabibigyan ng proteksyon ng mga dayuhang kumpanya at maayos na benepisyo ang mga call center agents sa bansa.


Bukod dito, nais din matiyak ng mga panukala na maaayos ang working environment at hindi naaabuso sa trabaho ang mga Pilipino sa BPO industry.

Ang BPO industry ay pumapangalawa sa mga OFWs na may malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa pagdating sa mataas na kita ng foreign exchange.

Sa kasalukuyan, aabot sa 1.2 Million ang directly employed na BPO workers habang 3.2 Million naman ang indirectly employed sa BPO industry.

Facebook Comments