TATALAKAYIN | DOLE, inatasan ang 17 Regional Tripartite Wage and Productivity Board na talakayin ang epekto ng TRAIN law sa mga manggagawa

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 17 Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) para talakayin ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maliban sa wage boards, kukonsultahin din nila ang mga labor group kaugnay sa epekto ng TRAIN law.

Aminado naman si Bello na mayroong rason para talakayin ang epekto ng TRAIN law dahil narin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ng produktong petrolyo.


Una nang umapela ang Associated Labor Union Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa DOLE na para pag-aralan ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pag-taas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa P800 ang hinihinging minumum wage ng ALU-TUCP para sa lahat ng manggagawa.

Habang humihirit rin sila ng P500 na subsidy para sa mga minimum wage earner.

Facebook Comments