TATALAKAYIN | Mga senador, planong taasan ang tobaco excise tax para suportahan ang Universal Health Care program

Manila, Philippines – Tatalakayin ngayong buwan ng Senado ang posibleng pagtataas ng excise tax sa mga tobacco product para mapondohan ang panukalang universal health care program ng pamahalaan.

Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Sen. Sonny Angara – kailangan nilang magsagawa ng pagdinig para malaman kung pwedeng pagkunan ng pondo ang sin tax para sa UHC bill.

Aniya, kung nagawang pondohan ng gobyerno ang free college law, mas lalo dapat ang Universal Health Care program dahil mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.


Nito lang nakaraang buwan nang lumusot sa Senado ang panukala.

Sa ilalim nito, otomatiko nang sakop ng Philippine Health Insurance Corp. ang lahat ng pamilyang Pilipino.

Samantala, nauna nang nagpahayag ng suporta sa planong pagtataas ng tobacco excise tax ang Department of Health.

Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque – nangangailangan ang gobyerno ng P769.55 billion para pondohan ang unang apat na taon ng UFC program oras na maisabatas ito.

Facebook Comments