Manila, Philippines – Maantala ang pagpasok ng ikatlong telecom player sa bansa sa unang kwarter ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang ibinigay na ulat ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT).
Ani Roque, tatalakayin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupulong ng gabinete bukas.
Nabatid na nagsimula na ang formal selection process ng gobyerno nitong nakaraang buwan para sa bagong telecom player at posibleng pangalanan na nila kung anong kumpanya ito sa katapusan ng buwan ng Marso.
Facebook Comments