Manila, Philippines – Tatalakayin ng Senado bukas, July 17 ang proposed charter amendments ng draft federal constitution.
Ayon kay Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairperson Francis Pangilinan, ang mangyayaring proceedings ay itutuloy lamang ang mga nagdaang pagdinig kaugnay sa panukala.
Umaasa si Pangilinan na matutukoy sa draft charter ang mga espesipiko at kongkretong proposal hinggil sa uri ng pederalismo na nais ipatupad ng Administrasyong Duterte.
Inaasahang dadalo sa pagdinig sina Consultative Committee Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno, dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuña at Constitutional Expert na si Christian Monsod.
Inimbitahan din sa pagdinig si dating Chief Justice Hilario Davide Jr.