Tatamad-tamad na gov’t employees, ire-reporma ni Lacson

Bilang bahagi ng kampanyang aayusin ang gobyerno, naghahanda na si Partido Reporma standard bearer Ping Lacson na itama ang mga maling sistema sa mga sangay ng pamahalaan.

Sa American Chamber of Commerce of the Philippines (Am-Cham), isiniwalat ni Lacson ang kaniyang obserbasyon na may mga aspeto ng pangangasiwa ng pamahalaan na dapat baguhin.

Sa ibang bansa aniya, klarong naisasantabi ang aspetong politikal sa pamamalakad ng gobyerno dahil seryosong ipinapatupad ang mga programa ng mga lider na inihalal ng taumbayan nang hindi nanganganib na mabuweltahan ng mga kalaban oras na magpalit ng administrasyon.


Giit ni Lacson, isa sa mga pagbabagong kaniyang ipapatupad kung mananalong pangulo ng Pilipinas ay paghusayan pa ang mga umiiral na panuntunan ng Civil Service Commission (CSC) na ahensiyang nangangasiwa sa pagtanggap ng mga government employees.

Ang pagpapatino sa serbisyong hatid ng gobyerno sa publiko ay kabilang sa mga layunin ng Lacson-Sotto tandem sa ilalim ng Kakayanan, Karanasan at Katapatan .

Una na ring nilikha ni Lacson ang Anti-Red Tape Act na nagbabawas sa mga prosesong pinagdadaan ng mga nag-aayos ng mga dokumento sa mga sangay ng pamahalaan.

Facebook Comments