TATANGGALIN! | Mga kadete ng PNPA na sangkot sa kahalayan, tiyak na matatangal sa akademya – ayon sa PPSC

Walang ligtas sa parusang dismissal ang tatlong Kadete na sangkot sa kahalayan sa Philippine National Police Academy.

Ito ang tiniyak ni retired Police Director General Ricardo de Leon na syang Presidente ng Philippine Public Safety College o PPSC

Ang PNPA ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PPSC.


Sinabi ni de Leon na alam ng mga Kadete kung ano ang nararapat na parusa sa kanila sa ginawa nilang kasalanan.

Dahil pumirma aniya ang mga ito ng Anti Hazing Pledge nang lumabas ang kopya ng Bagong Anti Hazing Law na RA 11053

Ganoon pa man sinabi ni de Leon na ayaw niyang pangunahan ang resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng Fact Finding Team na pinangungunahan ni Police Chief Supt. Ramon Rafael.

Kinumpirma rin nito na anak ng Police General ang pinaka Suspek sa eskandalo na isang Third Year Cadet sa PNPA.

habang ang isa sa mga First year Cadet na gumawa ng kahalayan sa kaklase ay anak naman ng isang Colonel sa BJMP na siyang nagpursige sa reklamo.

Facebook Comments