Manila, Philippines – Aalisin na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na local government official mula sa narco list nito.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – mula sa 83 pulitiko ay magiging 77 na lamang.
Sinabi ni Aquino na limang mayor at isang vice mayor ang nakatakdang tanggalin sa narco list.
Pero nilinaw ni Aquino na posible pa ring maibalik sa listahan ang mga ito kapag nakumpirma na sangkot talaga ang mga ito sa ilegal na droga.
Hindi na pinangalanan ng PDEA ang mga local officials.
Bukod sa PDEA, ang PNP, AFP at National Intelligence Coordinating Agency ang magsasagawa ng validation.
Inaasahan din ng PDEA na gagamitin ng ilang pulitiko ang pera mula sa illegal drug trade sa pagtakbo nito sa 2019 elections.
Facebook Comments