TATANGGALIN | Pagtatanggal sa campaign materials na nakakabit sa labas ng itinakdang common poster areas, ipinag-utos na ng COMELEC

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtatanggal ng campaign materials na ilegal ang nakakabit sa labas ng mga itinakdang common poster areas.

Inaatasan na ng poll body na manguna sa hakbangin ang mga election officer, gayundin ang mga kandidato.

Nakipag-ugnayan na rin ang COMELEC sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagtatanggal ng campaign materials.


Babala ng COMELEC, ang mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan sa kampanya ay maituturing na lumabag sa election law, at maaaring humantong sa kanilang diskuwalipikasyon.

Facebook Comments